Friday, June 09, 2006

Nais ko...

Matagal ko ng iniisip na magsulat ng tagalog sa blog na ito. Naiisip ko kasi ang mga kaibigan kong nais magbasa ng aking blog ngunit hindi makaintindi ng tagalog. Ngayon talagang hindi nila maiintindahan ang isusulat ko! Pasensya na lang.

Gawin ko kayang taglish para kahit papaano ay meron silang ideya kung ano ang mga kalokohang pinagsusulat ko. Ok, sige magtaglish tayo mga kapatid. ha! ha!

Wala lang. Wala naman akong maisip na maisulat. Para kasing gusto ko magsulat pero wala naman akong masabi. Pero siguro i will try...hmmm...

Ayun!Pinadala na sa akin ng friend ko yung poem na ginawa niya. Pangarap daw niya kasi na one day maging kanta yung mga kino-compose niyang mga poems. Sabi ko gagawin kong kanta para sa kanya ang mga tulang ginawa niya. Naiisip ko na kung paano ko tutugtugin sa piano ang kanta na yun. Ha! ha! Excited! Bukas lalatagan natin ng titik ang mga tula! Lalim no!

Bukas din manonood kami ng "Les Miserables". Sayang libre ang ticket kaya habang may nagbibigay ng libreng ticket, samantalahin natin. Mas maganda sana kung nandun ang Ex kong si Lea. Wag ka ng kokontra. Di niya nga alam naging kami pala! ha!ha! Saya nito. Pero nakakasiguro ako, hindi ako ang tatay ng anak niya.

Yun lang. Siguro the whole weekend i'll just take it easy. Parang itlog, overeasy. Ngek! Corny! Pero you'll never know, kapag sinipag ako maglakwatsa hindi niyo ko mahahanap. hahaha!

Later mga tao!

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

your entry made me smile for two reasons.

1. i'm in it. haha.
2. tagalog, egbert?! who are you kidding? hehehehehe

peace. ngatz :)

---empot

5:56 AM

 

Post a Comment

<< Home